Starmaker kakasuhan

Takdang isampa ng isang task force ng Department of Interior and Local Government ang kasong damage to property at paglabag sa Republic Act 7183 sa ne­gosyanteng si Salvador Tan dahil sa pag­sabog ng pabrika nitong Star­maker sa Cavite na iki­nasawi ng siyam na katao kamakailan.

Itu­tuloy ang demanda kahit tumangging magrek­lamo ang mga kamag-anak ng mga biktima sa dahilang maayos na nakipag-usap sa kanila ang panga­siwaan ng pagawaan ng paputok. (Danilo Garcia)

Show comments