Mga abogado ng PAO binalaan

MANILA, Philippines - Binalaan kahapon ni Public Attorneys Office (PAO) chief, Persida Rue­ da-Acosta ang mga government lawyers sa ilalim ng kanyang pamunuan na hindi nito palulusutin ang hindi tamang gawain at agad kakastiguhin.

Aniya, may kabuuang 147 mga abogado at em­pleyado ng PAO ang kan­yang kinastigo simula ng taong 2001 hanggang 2008.

Sinibak ang dalawa, apat ang nasuspinde at pi­nagmulta habang dalawa ang binawian ng lisensiya habang nasa 115 ang may warning nahidni na maari pang umulit sa pagka­kasala.

Isang halimbawa ang rekord ng Atty. Manuel Ramos, Public Attorney III ng Region II, na nagmulta ng isang buwang sahod matapos masuspinde dahil sa pagdalo sa hearing ng lasing o nakainom at na­ka­lig­taang iharap ang isang testigo.

Pinaalalahanan din niya ang PAO lawyers na huwag humawak ng kasong pag­labag sa BP 22 o bouncing checks, alinsunod sa Me­morandum circular series of 2002, na naging dahilan upang kastiguhin ang ilang tauhan. (Ludy Bermudo)

Show comments