Public hearing sa Rent control
MANILA, Philippines - Magsasagawa ng isang pagdinig bukas ang House Committee on Housing and Urban Development para talakayin ang problema sa rent control at buhayin ang Rent Control Act of 2005 matapos itong mapaso kamakailan.
Sinabi ni House Speaker Prospero Nograles, ang principal author ng House bill 5703, na siyang magsasabatas ng napaso na bill, tatalakayin nila ito sa isang public hearing sa Cebu dahil nabatid nila na may 1.6 million pamilya ang apektado ng nasabing batas ng mapaso ito.
‘We hope to finish the series of public hearing to get the opinions ang recommendations of all the stakeholders, both the affected families and owners of residential units to be covered,’ ani Nograles.
Ayon sa ulat ng National Statistics Office (NSO) may 1,582 miyong pamilya ang nangungupahan sa residential units, 97% ang nagbabayad dito ng P10,000 kada buwan o mas mababa pa. Inaasahan na ang mga ito ang mabebenipisyuhan ng pagpasa ng batas. Ang 47% sa mga ito ay naninirahan sa Metro-Manila. (Butch Quejada)
- Latest
- Trending