Listahan ng PPA drugs pinalabas
Inilabas na kahapon ng Bureau of Food and Drugs ang listahan ng mga cold relief medicines na nagtataglay ng phenylpropanolamine na kasalukuyang ibinebenta sa mga botika.
Ayon kay BFAD Director Leticia Gutirrez, ang 180 ibat ibang uri ng gamot na nasa listahan ay may nakasaad na “public information only and not for any other purpose.” Kabilang sa mga gamot na may PPA ay mga capsule, syrup, oral drops at mga tableta.
Sinabi ni Gutierrez na nanatiling epektibo ang mga gamot na may PPA at hindi mapanganib sa kalusugan subalit kaila ngang nasa tamang dosage at kumonsulta muna sa doktor.
Una nang sinabi ni Gutierrez na may ilang kaso ng hemorrhagic stroke na naitala sa Estados Unidos dahil na rin sa masyadong mataas ang PPA content ng mga gamot nito na umaabot sa 75 hanggang 150 milligrams kumpara umano sa Pilipinas na ang tanging pinapayagan ng BFAD na PPA content sa mga gamot ay 25 milligrams o mas mababa pa. (Doris Franche)
- Latest
- Trending