^

Bansa

'Love letters' ni First Gentleman ilalabas ni Ping

- Ni Malou Escudero -

Desidido si Sen. Pan­filo “Ping” Lacson na ila­bas ang mga ‘love letters’ ni First Gentleman Mike Arroyo kung patu­tuloy na itatanggi ng abo­gado nitong si Atty. Rudy Ron­dain na peke ang hawak niyang mga doku­mento lalo na ang tungkol sa ‘appointment book’ na mag­papatunay na bini­bisita siya ng mga kontra­tistang na-ban ng World Bank dahil sa sabwatan sa bidding.

Hinamon ni Lacson si Rondain na ubusin ang kanyang pasensiya at patuloy na itanggi ang sinasabing ‘appointment book’ upang mahayag sa publiko ang mga love letters ng Unang Ginoo.

“Sinasabi niya peke ang appointments book. I had to defend the credibility of the document I presented during the hearing. Para madagdagan ang credibility, ilalabas ko rin ang ibang doku­men­tong kasama ng appointments book na binigay sa akin ni Udong Mahusay July 21, 2003. Like pictures, personal letters, checks,” sabi ni Lacson.

Ayon pa sa senador, isang sako ang hawak niyang dokumento na tiyak na makakasira sa First Gentleman.

Sinigurado pa ni Lac­son na “damaging” ang mga love letters na hawak niya at ipapakita niya ito sa media base na rin sa su­ sunod na hak­bang ni Ron­dain.

May mga dokumento rin umanong hawak si Lac­son kaugnay sa mo­ney laundering activities na makaka­ apekto sa Unang Ginoo. 

Itinanggi ng kampo ni FG na may nakausap itong Japanese contractor hinggil sa proyektong popondohan ng WB.

Sinabi ni Rondain, na­iinis na ang Unang Ginoo dahil lagi na lamang itong idinadawit sa mga kontro­bersya subalit wala na­mang mga ebidensiya.

Aniya, bahala na ang WB na maglabas ng ebi­den­ siya at hindi natatakot ang Unang Ginoo.

Solon, DPWH officials sabit din

Samantala, sabit din umano sa WB scandal ang isang miyembro ng House of Representatives at ilang opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH)

Ayon kay Lacson, ha­wak na niya ang doku­men­tong isinu­mite ng WB sa Department of Finance (DoF) kung saan sabit ang pa­ngalan ng isang congressman maliban pa kay FG.

Pero tumanggi ang senador na pangalanan kung sino ang congressman na nakasulat sa WB report.

Tinukoy naman ang isang Boy Belleza na taga- DPWH na madalas magtungo sa LTA building na pag-aari ng Unang Ginoo base na rin sa ‘appointment book’ o diary na pag-aari ng Unang Ginoo.

Direkta rin umanong nabanggit ang pangalan ni DPWH director Vic Perez sa ulat ng WB kaugnay sa nangyayaring manipu­ lasyon sa bidding ng mga proyekto.

Sa Diamond Hotel sa Maynila umano madalas mag-meeting ang mga sangkot na opisyal at mga kontraktor.

Umabot umano sa wa­long testigo ang na-interview ng WB na nagpapa­tunay sa nasabing sab­watan sa bidding. (May ulat ni Rudy Andal)

AYON

BOY BELLEZA

DEPARTMENT OF FINANCE

DEPARTMENT OF PUBLIC WORKS AND HIGHWAYS

FIRST GENTLEMAN

FIRST GENTLEMAN MIKE ARROYO

LACSON

SHY

UNANG GINOO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with