1 sa bawat 10 Pinoy, may hika
Dahil sa patuloy na pagtaas ng bilang ng mga Filipino na nagkakaroon ng asthma, isinusulong na sa Senado ang isang panukalang batas na naglalayong magkaroon ng programa ang gobyerno kung paano ito malalabanan at maipaunawa sa mga mamamayan na ang nasabing sakit ay nakamamatay.
Sa pag-aaral ng International Study of Asthma and Allergies in Childhood (ISAAC), isa sa bawat 10 Filipino o 12 porsiyento ng populasyon ay nakakaranas ng hika o asthma lalo na sa mga bata.
Sa Senate Resolution No. 3017 na inihain ni Sen. Antonio Trillanes, sinabi nito na ang nasabing pag-aaral ay nagpapatunay lamang na sa kabila ng ‘extensive knowledge’ at management kaugnay sa nasabing sakit, ay dapat pa ring pag-ibayuhin ang kaalaman ng mga mamamayan tungkol sa nasabing ‘chronic illness’.
Mahalaga aniyang ma ituro rin sa mga pasyente at kanilang pamilya ang lahat ng kaalaman tungkol sa nasabing sakit at kung paano ito epektibong makokontrol.
Ayon kay Trillanes, maituturing na ‘life-threatening’ o maaring malagay sa panganib ang buhay ng isang may asthma kung hindi ito maayos na magagamot. (Malou Escudero)
- Latest
- Trending