WHO, DOH hirap sa pinagmulan ng ebola

Inamin ng World Health Organization (WHO) at Department of Health (DOH) na nahihirapan silang tuku­yin kung paano nailipat ang Ebola Reston Virus (EVR) sa isang farm worker.

Dahil dito, muling susu­riin ng mga eksperto ang iba pang baboy at mga taong nagkaroon ng kaug­nayan sa mga farm.

Pinawi naman ni Health Secretary Francisco Duque III ang pangamba ng publiko hinggil sa ebola scare at ipinaliwanag na bagamat maaaring ma­isalin sa tao ang virus, hindi naman ito magdudulot nang pagkaka­sakit o pag­kamatay sa isang indi­bidwal.

Pinayuhan rin ng Kali­him ang publiko na lutuin lamang ng tama ang bini­biling karne sa 70°C upang mamatay ang mikrobyong posibleng malipat sa tao.

Magugunitang kama­ka­lawa ay kinumpirma ng DOH na isa sa mga “farm worker na hindi pina­nga­lanan” ang nasalinan ng Ebola-Reston virus.

Gayunman, ayon kay Dr. Eric Tayag, hepe ng National Epidemiology center (NEC) ng DOH, malusog ang panganga­tawan ng nasabing indi­bidwal at hindi nagkaron ng seryosong karamda­man sa nakalipas na 12 buwan. (Doris Franche)

Show comments