^

Bansa

Nagbasura sa kaso ng Alabang boys, bank account ni Resado pinaiimbestigahan ng DOJ

- Gemma Amargo-Garcia -

Pinaiimbestigahan ni Justice Secretary Raul Gonzalez sa Anti-Money Laundering Council (AMLC) ang piskal na nagbasura ng kaso ng Alabang Boys matapos na mapaulat na may­roong nagdeposito sa bank account nito ng P.8 milyon at P.8 milyon din sa account ng kanyang asawa.

Ang nasabing impor­ma­syon na ipinadala sa pamamagitan ng fax message sa opisina ni Gon­zalez noong Miyer­kules ng hapon ay buhat sa isang Juan dela Cruz at mayroon din umanong kopya ng nasabing sulat si National Bureau of Investigation (NBI) director Nestor Man­taring.

Nakasaad sa nasa­bing anonymous letter na diniposito ang nasabing halaga sa bank account ni State Prosecutor John Resado sa Bando de Oro Bacoor, Cavite branch noong Disyembre 2, 2008, ang araw mismo na inila­bas ng piskal ang kanyang resolution na nagbabasura sa kasong droga ng Alabang boys.

Maging sa pangalan umano ng asawa ni Resado na si Rowena ay bukod na idiniposito ang parehong halaga sa parehong bangko at bank account.

Sinabi pa ng Kalihim na ipinadala na rin niya ang fax letter na iyon sa Pangulo at sinabihan na siya nito na maging ang impormasyon tungkol dito ay isama sa imbes­ti­gasyon ng independent panel at hintayin na lamang ang magiging resulta nito.

Mariin namang pina­ bu­laanan ni Resado ang nasabing impormasyon at ipinakita rin nito sa Kalihim ang kanyang bank book at sinabing ang pera nila ay mula sa revolving fund nilang mag-asawa dahil nasa lending business sila.

Bukod dito kumikita rin umano kada buwan ng P45,000 ang kanyang asawa buhat sa isang pribadong kumpanya.

Nilinaw pa ni Gon­zalez na karaniwan ang anonymous letter umano ay hindi nila pinapansin maliban na lamang kung ito ay substantial complaint tulad nitong kay Resado.

vuukle comment

ALABANG

ALABANG BOYS

KALIHIM

MONEY LAUNDERING COUNCIL

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

NESTOR MAN

ORO BACOOR

RESADO

SHY

STATE PROSECUTOR JOHN RESADO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with