^

Bansa

Mga piskal ng DOJ di pa lusot sa 'Alabang Boys'

-

Sa kabila ng pag-abswelto ng National Bureau of Investigation (NBI) sa kaso ng suhulan, hindi pa rin umano lusot ang mga piskal ng Department of Justice (DOJ) sa kaso ng Alabang boys.

Sinabi ni Justice Secretary Raul Gonzalez, kailangan pa ring harapin nina DOJ Undersecretary Ricardo Blancaflor, Chief State Prosecutor Joven­cito Zuño, Senior State Prosecutor Philip Kimpo, State Prosecutor Misael Ladaga at State Prosecutor John Resado ang independent panel na binu­buo ng kalihim.

Nilinaw din ng Kalihim na kailangan pa rin nilang hintayin ang signal ni Pangulong Arroyo upang makabalik sa puwesto ang mga nabanggit na opisyal.

Ang pag-abswelto uma­no ng NBI sa mga prosecutors kaugnay sa nasabing kaso ay magan­dang ulat subalit hindi pa rin umano ikokonsidera ng Pangulong Arroyo na final ang NBI report.

Idinagdag pa ng kali­him na hanggang sa nga­yon ay hindi pa nabu­buo ang independent pa­nel na iniutos ng Pangulo na siyang mag-iimbestiga sa umano’y P50 milyong bribery attempt sa mga piskal ng Alabang boys na may kaso ng droga dahil hindi pa sila nakakahanap ng retiradong Supreme Court (SC) Justice na sa­sama sa panel. (Gemma Amargo-Garcia)

ALABANG

CHIEF STATE PROSECUTOR JOVEN

DEPARTMENT OF JUSTICE

GEMMA AMARGO-GARCIA

JUSTICE SECRETARY RAUL GONZALEZ

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

PANGULONG ARROYO

SENIOR STATE PROSECUTOR PHILIP KIMPO

SHY

STATE PROSECUTOR JOHN RESADO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with