^

Bansa

Justice Peralta nanumpa na

-

Pormal nang nanumpa kahapon sa tungkulin si Supreme Court Associate Justice Diosdado Peralta.

Dakong alas-9 ng uma­ga nang manumpa kay Chief Justice Reynato Puno si Peralta bilang pang-15 mahistrado ng Korte Suprema kapalit ng nagretirong si Justice Ru­ben Reyes.

Nilinaw ni Peralta na ta­liwas sa mga espekulas­yon, sinabi ng Mahistrado na palagi siyang magiging “independent minded”

Sinabi pa ng bagong talagang Mahistrado na dapat ang bawat opisyal ng gobyerno at empleyado ay umakto ng naayon sa moralidad at ethics.

Binalewala din nito ang kritisismo na ang kanyang pagkakatalaga bilang ba­gong Mahistrado ng Korte Suprema ay bilang gantim­pala dito ni Pangulong Arroyo dahil isa ito sa tatlong mahistrado na nagpaku­long kay dating Pangulong Joseph Estrada sa kasong plunder nito kabilang din si Justice Teresita de Castro na ngayon ay nasa Korte Surpema na rin.

Inamin naman nito na ang kanyang yumaong ama ay kaibigan ng dating Pangulong Diosdado Ma­ca­pagal subalit hindi uma­no ito naging dahilan kaya siya itinalaga sa Korte Suprema.

Si Justice Peralta ay anak ni dating Manila Court na ngayon ay Regional Trial Court na si Judge Elviro Peralta.

Noong 1994, itinalaga siya bilang Regional Trial Court Judge sa Quezon City at Executive Judge noong 2000 kung saan kinilala siya bilang “Judge Bitay” dahil sa mayroong 90 porsiyento conviction sa kanyang sala. (Gemma Amargo-Garcia)

vuukle comment

CHIEF JUSTICE REYNATO PUNO

EXECUTIVE JUDGE

GEMMA AMARGO-GARCIA

JUDGE BITAY

JUDGE ELVIRO PERALTA

JUSTICE RU

JUSTICE TERESITA

KORTE SUPREMA

KORTE SURPEMA

MAHISTRADO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with