^

Bansa

Tangkang pagpuslit ng 2 imported motorcycle naharang ng PASG

-

Dalawang imported motorcycle ang natuklasan ng mga tauhan ng Presidential Anti-Smuggling Group (PASG) na lulan ng isang 40-footer container van na naglalaman ng mga household furniture at fixture habang escort ito ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) sa Port of Manila.

Ayon kay PASG chief Undersecretary Antonio Villar Jr., itinago ang 2 imported motorcycle sa 40-footer van na ang mga laman ay 95 pieces ng household fixture at furniture na mula sa US at lulan ng OOCL Ningbo.

Bago pa man dumating ang nasabing kontrabando ay nakatanggap ng intelligence report ang PASG na ang 40-footer container van na no. NYKU 5560389 ay may misdeclared item.

Nang isailalim sa Warrant, Seizure and Detention (WSD) ang nasabing container van at sumailalim sa X-ray examination ay natuklasan ang 2 Harley Davidson big bikes.

Sa kabila ng WSD ng kontrabando ay nagawang mailabas ang nasabing kargamento na naglalaman ng P20 milyong halaga ng household fixture at furniture kasama ang 2 imported big bikes sa Gate 6 ng Port of Manila kung saan ay escorted pa ito ng 2 Customs X-ray personnel.

Kaagad tumakas ang 2 Customs personnel ng mamataan nito ang mga PASG operatives nang harangin ang kontrabando sa Gate 6 ng Port of Manila.

“These Customs men might have thought that the PASG was fast asleep at 3:00 in the morning. They were like thieves in the middle of the night but sorry, they’re not lucky enough for the PASG is working 24 hours a day,” wika pa ni Villar.

Wika pa ni Usec. Villar, kumukuha na sila ng mga ebidensiya upang mabatid kung sino ang nasa likod ng tangkang pagpapalusot ng nasabing kargamento kung saan ang consignee nito ay ang Custom broker na si Victorino Guilles Jr. (Rudy Andal)

BUREAU OF CUSTOMS

CUSTOMS X

HARLEY DAVIDSON

PORT OF MANILA

RUDY ANDAL

SEIZURE AND DETENTION

SMUGGLING GROUP

THESE CUSTOMS

UNDERSECRETARY ANTONIO VILLAR JR.

VICTORINO GUILLES JR.

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with