^

Bansa

Customs official kinasuhan

-

Ipinagharap ng kasong kriminal at administratibo sa Office of the Ombudsman ng dalawang opisyal ng Department of Finance-Revenue Integrity & Protection Service (DOF-RIPS) si Maj. Camilo P. Cascolan, Chief Officer ng operations and intelligence office- Enforcement and Security Service (ESS) sa Bureau of Customs.

Kasunod nito, hiniling din nina Romualdo Dolores at Feli­zardo Belga na suspindehin kaagad si Cascolan habang dinidinig pa ang kaso nito.

Nag-ugat ang kaso laban kay Cascolan sa umano’y illegal na withdrawal sa Port of Manila ng dalawang 3x40 container na dumating sa bansa noong Agosto 11, 2008 na naglalaman ng 1,200 bag ng wax mula China, naka-consign sa American Jeans and Sportswear Inc..

Ang nasabing kargamento ay pansamantalang isinailalim sa hold order ng operatiba ng Operation and Intelligence Office dahil sa kakulangan ng mga papeles pero noong Setyembre 17, 2008 ay misteryosong nailabas sa Customs na ginamitan ng consumption entry at iba na ang pangalan ng consignee.

Dahil sa insidente ay hiningan si Maj. Cascolan ng after mission report (AMR) ni Col. Jose Yuchongco, OIC ng ESS ng panahong iyon, ngunit sa loob ng 3 buwan ay nagmatigas si Cascolan at walang maibigay na paliwanag.

Ayon kina Dolores at Belga, imbes P1.077M ang dapat na bayarang buwis ay P45,000 lang ang naibayad sa gobyerno gamit ang pekeng consignee. (Butch Quejada)

AMERICAN JEANS AND SPORTSWEAR INC

BUREAU OF CUSTOMS

BUTCH QUEJADA

CAMILO P

CASCOLAN

CHIEF OFFICER

ENFORCEMENT AND SECURITY SERVICE

JOSE YUCHONGCO

MAJ

OPERATION AND INTELLIGENCE OFFICE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with