^

Bansa

Ayon sa DOJ chief: Atake sa korte, atake sa gobyerno

-

Posibleng may nag­paplano ng panibagong tangkang pagpapabag­sak sa pamahalaan dahil sa sunod-sunod na atake sa hudikatura.

Ayon kay Justice Secretary Raul Gonzalez, hindi maganda ang naa­amoy niya sa mga pag-atake sa hudikatura sa pamamagitan ng mga ale­­­gasyon ng graft and corruption nitong mga naka­raang dalawang linggo.

Nagpahayag ng pa­ngamba ang Kalihim dahil sa baka mayroon uma­nong distabilization attempt matapos na unang atakihen ng mga alegas­yon ang Department of Justice sa pamamagitan ng kaso ng Alabang boys at kasunod nito ay si Supreme Court Chief Justice Reynato Puno dahil sa kaso naman ni Rep. Jo­celyn Limkaichong.

Tumanggi naman ang kalihim na idetalye pa ang distabilization plot at sa halip ay kinuwestiyon nito kung paanong akusahan ang mga piskal ng DOJ na umanoy tumanggap ng bribe money buhat sa Alabang boys.

Binanatan naman ng kalihim si Philippine Drug Enforcement Agency Major Ferdinand Marcelino kung bakit hindi nito inaresto ang “mistah” nito na umanoy nagtangkang manuhol rito upang ma­palaya ang Alabang boys. (Gemma Amargo-Garcia)

vuukle comment

ALABANG

AYON

BINANATAN

DEPARTMENT OF JUSTICE

DRUG ENFORCEMENT AGENCY MAJOR FERDINAND MARCELINO

GEMMA AMARGO-GARCIA

JUSTICE SECRETARY RAUL GONZALEZ

KALIHIM

SHY

SUPREME COURT CHIEF JUSTICE REYNATO PUNO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with