^

Bansa

Veto sagot ni GMA sa bitay

- Ni Rudy Andal -

Ipinahiwatig kaha­pon ng Malacañang na gaga­mitin ni Pangu­long Gloria Macapa­gal-Arroyo ang kan­yang veto power na, rito, hindi niya lalag­daan ang anumang panuka­lang-batas na bubuhay sa parusang bitay sa mga guma­gawa ng karumal-du­mal na krimen.

Sinabi ni Deputy Pre­sidential Spokesman Anthony Golez na mala­mang i-veto la­mang ni Pangulong Arroyo ang pagbuhay sa death penalty sakaling hindi mahi­kayat ng mga bagong argu­mento ang Pangulo.

Idiniin ni Golez na hindi nagbabago ang pa­ninindigan ni Gng. Arroyo katulad ng po­sisyon ng Simbahang Katoliko na tumututol sa panunum­balik ng parusang bitay.

“First of all, nais na­ting ipaalam sa lahat na yung desisyon na tang­galin ang death penalty ay may kadahilanan. Kung meron mang ibang haka-haka o ibang pagsusuri, we will welcome those studies to come up with a better solution,” paliwanag ni Go­lez.

Magugunita na ilang kongresista at senador ang nagna­nais na buha­yin ang death penalty dahil sa kontrobersyang nilikha ng tinaguriang Alabang Boys na na­unang nadakip sa bawal na gamot.

ALABANG BOYS

DEPUTY PRE

GLORIA MACAPA

GNG

GOLEZ

IDINIIN

PANGULONG ARROYO

SHY

SIMBAHANG KATOLIKO

SPOKESMAN ANTHONY GOLEZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with