Oposisyon mabubuo lang daw sa kasalang Mar-Korina

Sa gitna nang kina­ kaharap na isyu nang muling pagkakawatak-watak ng oposisyon sa 2010 presidential elections, ipinahiwatig kaha­pon ni Sen. Pan­filo Lac­ son na dapat nang mag­pakasal si Sen. Mar Ro- xas at broadcaster Korina Sanchez upang mapag­kasundo nito ang mga presidentiables sa kani­yang kasal.

 Ayon kay Lacson, maaaring umpisahan ni Roxas sa pagpapakasal ang pagbuo ng oposis­ yon kung saan maaari umano nitong kuning ni­nong si dating Pangu­long Joseph Estrada, best man si dating Sen. Manny Villar, at aabay naman sila ni Loren Le­garda.

“So yan ang aking suggestion para masu­sugan, sama-samahin na sa kasal ang taong bi­nanggit ko para mada-ling mag-usap,” sabi ni Lacson.

 Samantala, sa isang hiwalay na panayam, nag­pasalamat naman si Roxas kay Lacson dahil sa ma­gandang layunin nito sa kaniyang love life.

“Nagpapasalamat tayo sa greetings mula kay Senator Ping at sa kanyang magandang layunin para sa aking love life at sa ating bansa.

Pero ayon kay Roxas, ayaw niyang ihalo ang kan­ yang personal na buhay sa pulitika.

“Para sa akin, hindi ko ihahalo yong mga bagay para sa puso doon sa mga bagay sa pulitika. Dapat naman talagang hiwalay iyan at popro­teksyonan ko iyan,” sabi ni Roxas.

Tumanggi rin si Roxas na kumpirmahin kung mag­papakasal siya nga­yong 2009 o tuluyan nang iha­hayag ang pagtak-    bo sa pagka-presidente sa 2010. (Malou Escu­dero) 

Show comments