Pinay kusinera pa rin sa White House
Bago na ang presidente ng United States sa katauhan ni Barack Obama pero hindi mababago ang kusinera sa White House.
Pinanatili ni Obama bilang punong kusine- ra ng White House ang American-Filipina na si Cristeta Comerford na naging tagaluto ng paalis nang pangulo ng U.S. na si George Bush sa panahon ng administrasyon nito.
Nagkaroon ng kapwa magandang pananaw sa “healthy diet at healthy families” ang bagong US first lady na si Michelle Obama at si Comerford.
Batay sa ulat, si Comerford ay mananatili bilang executive chef ng White House kahit pa man si Obama na ang bagong US president.
Si Comerford ay isang naturalized US citizen kung saan ito ay ipinanganak noong 1962 at lumaki sa Sampaloc, Maynila, nag-aral sa Manila Science Highschool at kumuha ng kursong Food Technology sa University of the Philippines-Diliman.
Nag-aral din si Comerford ng French cooking sa Vienna, Austria at naging mahusay sa pagluluto ng mga ethnic at American cuisine.
Si dating First lady Laura Bush naman ang nag-promote kay Comerford noong August 14, 2005 bilang kauna-unahang Pilipina na naging executive chef ng White House.
Nakatira si Comer-ford sa Columbia, Maryland kasama ang kanyang asawa at mga anak. (Associated Press)
- Latest
- Trending