^

Bansa

Piskal na uurong sa drug case sisibakin

- Gemma Amargo-Garcia -

Nagbabala kahapon si Justice Secretary Raul Gon­zalez sa mga prosecutor na tuluyan silang matatanggal sa serbisyo kapag pinilit nilang magbitiw sa mga hinahawakan nilang kasong may kinalaman sa bawal na gamot.

Pinaalalahanan din ng kalihim ang mga pro­secutors na mayroon silang mandato na isu­long ang mga kasong kriminal kabilang dito ang mga drug related cases.

Kaugnay nito, inata­san na ng Malacañang ang Department of Justice at Philippine Drug Enforcement Agency na tigilan na ang iringan at unahin ang pag­ta­trabaho upang tugisin ang mga drug lords.

Ayon kay Deputy   pre­sidential spokes-man Anthony Golez Jr. mas mabuting pagtuu­nan na muna ng pansin ng dalawang ahen­siya   ang kanilang trabaho kaysa magbatuhan ng mga akusasyon.

Nagsimula ang ‘word war’ ng DOJ at PDEA dahil sa drug case ng mga tinaguriang ‘Ala­bang Boys’ kung saan nagkaroon pa ng imbes­tigasyon ang House of Representatives.

Ibinunyag ng isang opis­yal ng PDEA na may nag­tangkang ma­nuhol sa kanya kapalit ang kalayaan ng mga tinatawag na “Alabang Boys’ na mula sa ma­ ya­ya­mang pamilya sa Ayala, Alabang.

Idinagdag pa ni    Go­lez na maaaring palitan ang mga prosecutors na nagba­ban­tang mag-re-resign ng isang anti-drug task force.

 Samantala, hindi pa man tapos ang kontro­bersiya sa DOJ kaug­nay sa kasong droga ng Ala­bang boys, su­mi­ngaw ang panibagong kaso ng pag­papalaya sa da­lawang Chinese nationals na may ka­song dro­ga na kinuku­westiyon ng Philip-   pine Drug Enforcement Agency.

Ito ay matapos na ide­pensa kahapon ni Justice Un­dersecretary Fidel Ex­conde ang gi­na­wang automatic review sa drug case sa Zam­boa­nga City ng dala­wang Chinese nationals kabilang dito si Lucky Ong.

Sinabi ni Exconde na walang katotohanan ang alegasyon ni Sr. Supt. Adz­har Albani ng PDEA Western Minda­nao na nakialam ang DOJ sa kaso.

Ayon naman kay Ex­con­de walang mabi­gat na ebi­densiya ang PDEA na mag­didiin    kay Ong kaya dini­ses-yu­nang ma­palaya ito.

ALABANG BOYS

ANTHONY GOLEZ JR.

AYON

DEPARTMENT OF JUSTICE

DRUG

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

FIDEL EX

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with