^

Bansa

Pagbibitiw ng mga piskal ng TF Anti-Illegal Drugs di tinanggap ni Gonzalez

-

Tinanggihan ni Justice Secretary Raul Gonzalez ang kahilingan ng DOJ-Task Force on Anti-Illegal Drugs na palitan sila bi­lang mga miyembro nito dahil na rin sa umano’y kinukuwestiyon ang kani­lang kredibilidad bunsod sa pagbabasura nila ng kasong illegal na droga sa mga tinaguriang Alabang Boys.

Una nang hiniling ni State Prosecutor John Resado ang pagbibitiw dahil sa apektado na rin ang kanyang pamilya bunsod sa kinasasang­kutang kontrobersya ka­ya’t hangad umano nito na magkaroon ng mata­himik na pamumuhay.

Sinundan naman ito ng chairman ng Task Force na si State Prosecutor Philip Kimpo at hiniling din ng iba pang opisyal nito ang pagbu­buwag sa Task Force subalit tumanggi ang Ka­lihim at sinabi nitong walang dapat mabago sa Task force.

Hindi naman nagbigay ng paliwanag ni Gonzalez sa kung bakit hindi nito pinagbigyan ang pagre­lieve sa mga miyembro at opisyal ng Task Force.

Ang nasabing task force ang humahawak sa mga kasong may kina­laman sa droga na isina­sampa sa DOJ kung saan ang miyembro umano ng grupo ay nasa 20. (Gemma Amargo-Garcia)

ALABANG BOYS

FORCE

GEMMA AMARGO-GARCIA

GONZALEZ

SHY

SINUNDAN

STATE PROSECUTOR JOHN RESADO

STATE PROSECUTOR PHILIP KIMPO

TASK

TASK FORCE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with