Bitay sa droga ibalik! - PDEA
Nanindigan kahapon si Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Director General Dionisio Santiago Jr. na nararapat ibalik ng pamahalaan ang parusang kamatayan sa mga taong sangkot sa iligal na droga upang tigilan na ng mga internasyunal na sindikato ang pagbase sa Pilipinas bilang sentro ng kanilang operasyon.
Sinabi nito na pare-pareho sila ni Dangerous Drugs Board (DDB) Chairman Vicente Sotto III, mga kongresista at mga anti-drug groups na nais na maibalik ang parusang kamatayan kontra sa droga. Ang pakiusap lamang umano ng ibang sektor ay ipatupad ito sa kaso lamang ng iligal na droga dahil dito naman nangagaling ang “heinous crimes”.
Sa opinyon ni Santiago, umaasa siya na mababawasan ang bilang ng drug users at pushers sa oras na maipatupad ang batas dahil sa maglalabasan umano ng Pilipinas ang mga internasyunal na miyembro ng mga sindikato.
Nanawagan rin si Santiago sa Kongreso at Senado na gawing “urgent” ang usapin sa death penalty dahil isang “security threat” ang iligal na droga sa Pilipinas.
Matatandaan na ipinasa ang death penalty law noong 1992, pero ibinasura ito ni Pangulong Arroyo noong 2006. (Danilo Garcia)
- Latest
- Trending