Pinas pinaghahanda sa lindol at tsunami
Sa gitna nang ulat ng Geoscience Australia na ang Asia-Pacific ay naha harap sa era ng “large-scale natural disaster” na maaring maging sanhi ang pagkamatay ng milyon-milyong mamamayan kung saan ang Indonesia, Pilipinas, at China ang pinaka-delikado, iginiit kahapon ni Sen. Richard Gordon ang malawakang paghahanda at pagkakaroon ng kultura ng ‘disaster preparedness’.
Ayon kay Gordon, ang Pilipinas ay geographically located sa circum-pacific belt ng apoy at bagyo sa Asia-Pacific region at ‘prone’ ito sa mga natural disasters katulad ng lindol at tsunamis.
Hindi aniya nawawala ang posibilidad na pagtama ng mga natural calamities sa bansa kaya dapat turuan ang mga mamamayan na maging laging handa.
Naniniwala si Gordon na maraming buhay ang maisasalba kung alam ng mga mamamayan ang kanilang gagawin sakaling may tumamang disaster sa bansa.
Ayon pa umano sa ulat, ang impact ng natural events, katulad ng lindol at tsunamis ay mas paiigtingin pa ng tumataas na bilang ng polulasyon at climate change na nakaaapekto na sa buong mundo.
Nais ni Gordon na magkaroon ng isang batas upang maging mandatory sa mga mamamayan ang pagsasanay sa mga posibleng dumating na kalamidad. (Malou Escudero)
- Latest
- Trending