^

Bansa

Banta ng taxi operators: Kung ipipilit ang resibo, gastos ipapasa sa pasahero

-

Nagmamatigas nga­ yon ang mga taxi operators at drivers sa inil­abas na desisyon ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na mag-isyu ng resibo sa kanilang mga pasahero ngayong taon.

Sa pahayag ng Association of Taxi Operators in Metro Manila (ATOMM), masyado umanong ma­ laki ang gagastusin nila sa paglalagay ng electronic receipt machine sa kani­lang mga taxi units na nag­kakahalaga ng higit sa P80,000 bawat isa.

Hindi rin naman uma­ no ito ang solusyon upang matigil na ang talamak na pangongontrata at pag­dadagdag sa singil sa pasahe ng maraming mga abusadong taxi driver dahil maaari namang hindi pa­ andarin ang metro kung mangongontrata.

Nagbanta pa ang gru­ po na kung igigiit sa kanila ng LTFRB na ipatupad ito, ipapasa nila ang gastos sa kanilang mga pasa­hero bagay na kinontra na­man ng mga manana­kay.

Sa kautusan na inila­bas ni Lantion, maaari na­mang manual na mag-isyu ng re­sibo ang mga taxi driver sa kanilang mga pasa­ he­ro at hindi muna kailangan ng electronic receipt equip­ments.

Sinabi ng ATOMM na nagsampa na umano sila ng ‘deferment of the order’ sa LTFRB nitong Disyem­ bre 12 at hihintayin muna nila na magdesisyon si Lantion bago nila sundin ang kautusan.

Malugod na tinanggap naman ng mga manana­kay ng taxi ang pag-iisyu ng resibo sa kanila ng mga driver kung saan nakala­ gay dito ang pasaheng ka­nilang binayaran, petsa, pangalan ng taxi, contact number at plaka nito.

Dahil dito, maaari na umano nilang tawagan ang operator na ka­nilang sinak­yan kung may reklamo sila sa driver at kung may nai­ wan silang gamit sa loob ng sasak­yan na kanilang na­kalimutan. (Danilo Garcia)

ASSOCIATION OF TAXI OPERATORS

DAHIL

DANILO GARCIA

DISYEM

LAND TRANSPORTATION FRANCHISING AND REGULATORY BOARD

LANTION

METRO MANILA

SHY

TAXI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with