^

Bansa

Reputasyon ng Pinas sa anti-drug campaign bumagsak na - PDEA

-

Inamin kahapon ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Director General Dionisio Santiago Jr. na bumagsak na nga­yon ang repu­tas­yon ng Pilipinas pag­dating sa ‘anti-drug campaign’ dahil sa nagaga­nap na lagayan ng mga malalaking sindi­kato sa mga korte at sa isang ba­hagi ng criminal justice system.

Ginawa nito ang pag-amin makaraang ibulgar na hindi ang tatlong mi­yembro ng “Alabang Boys” ang unang napa­laya ng prosecutor ng Department of Justice.

Sinabi nito na unang napawalang-sala ng DOJ ang drug suspect na si Cai Qing Hai na kasama sa ‘international drug list’ mata­pos na payagan ng piskal­ya na makapagpi­yansa sa kabila ng ma­lalaking ka­song kinaka­harap nito.

Sinabi ni Santiago na labis silang naharap sa kahihiyan sa nakaraang International Drug Conference on Illegal Drugs nang tanungin sila ng kanilang mga ‘counterparts’ kung ano ang nang­yari at napa­walang-sala si Cai.

“Nakakahiya na tina­ta­nong kami sa conference, ‘what happened?’ Nga­yon, can we effectively address the drug problems kung ang pillars ng justice system, there are five, pag natanggal ang isa eh wala na,” ani Santiago.

Tinukoy naman nito na magulang ng isa sa Ala­bang Boys na sina Richard Santos Brodett, Jorge Jor­dana Joseph at Joseph Ra­mirez Tecson ang nagpa­dala ng “text message” sa PDEA na nagsasabi na bakit nag­rereklamo siya dahil sa nagkabayaran na ng P50 milyon para sa pagpapa­laya sa tatlong suspek.

Tahasang itinanggi ni Santiago na kasama siya sa mga nasuhulan at iti­nuro ang DOJ na posib­leng may mga natanggap sa natu­rang malaking halaga kaya nalaglag ang kaso laban sa tatlong “Alabang Boys” nitong Disyembre 2 at na­tang­gap lamang ng PDEA nitong Disyembre 19.

“We have to look at the paper trail, starting from the fiscal, then we work our way up. I’m not at liberty to tell you right now, but at the proper time, we will tell you what we know,” ani San­tiago.

Ipinangako naman ni Santiago na patuloy na lalabanan ang mga sindi­kato ng iligal na droga hanggang sa magtapos ang kanyang karera sa pamahalaan habang na­nawagan sa ibang ahen­sya ng pamahalaan na magka­roon ng konsensya at huwag pera na lamang ang tinitignan. (Danilo Garcia)

ALABANG BOYS

CAI QING HAI

DANILO GARCIA

DEPARTMENT OF JUSTICE

DIRECTOR GENERAL DIONISIO SANTIAGO JR.

DISYEMBRE

DRUG CONFERENCE

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

JORGE JOR

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with