Peace body pinulong

BAGUIO CITY - Pi­nulong kahapon ni Pa­ngulong Gloria Maca­pagal-Arroyo ang National Peace and Order Council sa The Mansion upang talakayin ang sitwasyon ng ka­paya­paan at kaayusan sa bansa gayundin ang magiging seguridad kaugnay sa mga banta ng mga rebeldeng gru­po at mga terorista.

Dumalo sa pulong sina Interior Secretary Ronaldo Puno, Defense Secretary Gilbert Teo­doro, Presidential Adviser on the Peace Process Hermogenes Es­pe­ron Jr., at National Security Deputy-Director General Ave­lino Razon Jr.

Dumating kahapon si Pangulong Arroyo sa lungsod na ito matapos niyang bisitahin ang Urdaneta City at Bi­nalo­nan sa Panga­sinan.

Ininspeksyon ng Pu­nong Ehekutibo ang bagong tayong Urda­neta City hall habang binisita rin niya ang Palay procurement activity sa NFA warehouse sa Bi­na­lonan. (Rudy Andal)

Show comments