^

Bansa

Arrest warrant sa scam witnesses binawi ni Gordon

-

Sinangkalan kaha­pon ni Sen. Richard Gordon, chairman ng Senate Blue Ribbon Committee, ang diwa ng Ka­ paskuhan sa pagbawi ng warrant of arrest la­ban kay Mari­tess Ayto­na, ang sina­sabing runner ni dating Agriculture under­se­cretary Jocelyn “Joc­joc” Bolante at ilang araw ding nakulong sa Senado.

Binawi rin ni Gordon maging ang warrant of arrest nina Julie Gre­gorio at Reden Antolin, presidente at bise presi­dente ng Feshan Philippines, at Leonicia Mar­co-Llanera.

Sinabi ni Gordon na ta­tanggalin niya ang arrest order laban sa mga nabanggit dahil nangako naman ang mga ito na muling si­sipot sa hearing ng komite na itinakda sa Enero 20, 2009.

 Bago matapos ang hearing, itinanggi nina Llanera at Aytona na kilala nila si Bolante.

Nakatakdang ipa­tawag sa susunod na hearing ang mga opis­yal ng board of directors ng National Organization for Agricultural En­hance­ment and Productivity Inc., isa sa mga nagpa­tu­pad ng fertilizer program.

Hiniling din ni Gordon sa mga opisyal ng Fes­han na dalhin sa susu­nod na hearing ang kani­lang libro ka­ugnay sa fer­tilizer na bi­nili sa kanila ng gob­yerno. (Malou Escudero)

AGRICULTURAL EN

BOLANTE

FESHAN PHILIPPINES

GORDON

JULIE GRE

LEONICIA MAR

LLANERA

MALOU ESCUDERO

NATIONAL ORGANIZATION

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with