^

Bansa

Paputok bawal ibiyahe sa barko

-

Hindi pinapayagan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang pagbibiyahe sa barko ng firecrackers at pyrotechnics kaya dapat umanong ireport ito saka­ling may lumalabag dito.

Ito ang ipinatutupad nga­­yon sa mga daungan dahil sa inaasahang pag­bibiyahe ng mga paputok na gagamitin ng mga taga-lala­wigan sa Kapaskuhan at pagsalubong sa Bagong Taon.

Gayunman, tiniyak ni PCG commandant Vice Admiral Wilfredo Tamayo na sakaling may special permit ang magbibiyahe ng mga paputok, papaya­gan lamang ito subalit hiwalay ito sa mga pasa­hero at sa cargo isasakay upang maiwasan ang accidental explosion na banta sa buhay ng mga pasahero.

Sa­kaling may makiki­tang pag­­labag o nagpapa­lusot nito, mag-report lamang sa DOTC hotline 7890, o sa PCG hotline 5278481.

Maaari ring magtext sa Coast Guard, 0917-PCG­DOTC o 0917­7245682. (Ludy Bermudo)

BAGONG TAON

COAST GUARD

GAYUNMAN

KAPASKUHAN

LUDY BERMUDO

MAAARI

PHILIPPINE COAST GUARD

SHY

VICE ADMIRAL WILFREDO TAMAYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with