^

Bansa

Baboy sa kapaskuhan 'wag pangambahan

-

Pinarating ng Bureau of Animal and Industry (BAI) ng Department of Agicul­ture (DA) na wa­lang dapat ipangamba ang mga meat lovers laluna ng karne ng baboy dahil ligtas pa ring ka­inin ang mga karneng ba­boy sa bansa ngayong pa­palapit ang Kapasku­han.

Nilinaw ni BAI Director Dave Catbagan na kung pumunta man sa bansa ang mga staff ng Food and Agriculture Organization ng United Nations ay kanila itong inimbitahan upang mag-imbestiga kung paano nahawa ang mga baboy sa Ebola Res­ton virus, na aniya’y na­pa­tunayan na­man na hindi nakakaapekto sa tao.

Bagamat ligtas sa tao, isolated na rin aniya ang mga baboy na apektado ng naturang virus sa Panga­sinan, Bulacan at Nueva Ecija, kaya’t wala umanong ikakabahala ang taumba­yan na bumili ng karneng baboy sa mga pamilihan.

Gayunman, pinaalala nito na kung mamimili ng karne sa mga palengke, wag kakalimutan na ting­nan ang tatak ng pagka­suri ng National Meat Inspection Service (NMIS) ng DA upang makatiyak na di makakalusot ang mga double dead na kar­ne na binebenta ng mga tiwaling magkakarne.

kailangan din anyang tingnan kung hindi ma­baho, kulay pinkish ang la­man, walang namu­muong dugo ang mga karne ng baboy upang makaiwas sa sakit. (Angie dela Cruz)

BUREAU OF ANIMAL AND INDUSTRY

DEPARTMENT OF AGICUL

DIRECTOR DAVE CATBAGAN

EBOLA RES

FOOD AND AGRICULTURE ORGANIZATION

NATIONAL MEAT INSPECTION SERVICE

NUEVA ECIJA

SHY

UNITED NATIONS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with