^

Bansa

Internet mas mabenta ngayon sa kababaihan

-

Mas maraming kababaihan umano sa ngayon ang mas nanaisin pang hindi makipagtalik kaysa pagbawalan silang gumamit ng internet.

Sa survey ng Harris, isang international online research firm, sa 2,119 adults, lumilitaw na may 46 percent ng mga kababaihan sa ngayon ang mas gugustuhin pa umanong hindi makipagtalik ng dalawang linggo kaysa mamuhay o lumipas ang mga araw na walang internet.

Sa nasabing survey ay kabaligtaran naman ang naging reaksiyon ng mga kalalakihan na nagsasabing mas pipiliin nila ang pakikipagtalik kesa sa internet habang 30 percent ay mas gustong makipag-intimate relationship kesa sa cyber relationship.

Sa mga isinalang naman sa pagtatanong sa nasa­bing survey na ginanap noong November 18-20, 2008, may 95% ang nagsasabi na lubhang na­paka-ha­laga ng internet access sa kanilang pang-araw-araw na pamumuhay. Samantala, 65% ang mas ginugugol ang kani­lang atensiyon at gastusin sa internet, 39% sa cable television subscriptions, 20% sa dining out, 18% sa shopping for clothes at 10% lamang ang mas pinapahala­gahan ang kanilang health club membership.

May 61% naman sa mga kababaihan ang mas ipag­papalit ang dalawang linggong panonood sa TV kesa isang linggong pag-access sa internet. (Rose Tesoro)

ARAW

INTERNET

KABABAIHAN

KESA

MAS

NAMAN

ROSE TESORO

SAMANTALA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with