^

Bansa

Pacquiao for Congressman tuloy na

- Ni Russel Cadayona -

Bagamat nagulat sa kanyang nabalitaan, wala nang magagawa pa si Filipino boxing promoter/manager Rex “Wakee’ Salud kundi ang supor­tahan ang desisyon ni Filipino boxing superstar Manny Pacquiao na pa­sukin muli ang pulitika.

Ito’y matapos ihayag kamakalawa ni Pac­quiao ang kanyang kan­didatura para sa Congressional seat ng Sa­ranggani sa eleksyon sa 2010 mata­pos magpa­rehistro sa Commission on Elections (Comelec) office sa Kiam­ba bilang isang registered voter.

“Ang akala ko kasi sa Quezon City siya tatak­bo,” ani Salud, tumata­yong manager ni Pac­quiao. “Ang advise na­min sa kanya talaga ay huwag muna niyang pasukin ang pulitika. Pero kung saan siya maligaya, wala ka­ming magagawa.”

Si incumbent Rep. Edwin Chiongbian ay nasa kanyang ikatlo at huling termino bilang kinatawan ng Sarang­gani sa Kongreso.

“Noong tumakbo ako sa GenSan hindi ako preparado. Parang nag­ma­dali ako eh,” ani Pac­quiao, nauna nang nag­sabing dalawa hang­gang tatlong laban na lang ang natitira sa kanyang boxing career bago tuluyang magretiro sa 2010.

“Sa tingin ko ito na ‘yung tamang panahon para makatulong ako sa aking mga kababayan,” sabi pa ng Pambansang Kamao.

Wala namang angal si Salud sa nasabing plano ni Pacquiao bun­sod na rin ng inabi ka­makailan ni Quezon City 2nd District Rep. Annie Rosa Susano na 70 percent nang pu­mayag na kakandidato sa 1st District ng nasabing lung­sod.

“Kung anong gusto ni Manny, susuportahan na­min siya. Iyon naman ta­laga ang sinasabi niyang misyon na tulu­ngan ang kanyang mga kababa­yan,” wika ni Salud kay Pacquiao, nasa partido ng Peo­ple’s Champ Movement (PCM).

Solidong suporta rin ang inaasahang maku­kuha ni Pacquiao mula sa Kabalikat ng Mama­ma­yang Pilipino (Kampi) na partido ni Pangulong Arroyo bukod pa sa kayang ‘political adviser’ na si da­ting Manila Mayor at nga­yon ay Environment Secretary na si Lito Atienza.

vuukle comment

ANNIE ROSA SUSANO

CHAMP MOVEMENT

DISTRICT REP

EDWIN CHIONGBIAN

ENVIRONMENT SECRETARY

LITO ATIENZA

MANILA MAYOR

PACQUIAO

QUEZON CITY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with