Ugnayan ng DepEd sa pribadong sektor lalawakan
Inatasan kamakailan ni Pangulong Arroyo ang Department of Education na palawakin ang pakikipag-ugnayan nito sa pribadong sektor para mapalakas ang pagtuturo ng information and communication technology sa mga pampubli kong paaralan.
“Nasisiyahan ako na ang DepEd at ang ibang institusyon ay nakikipag-ugnayan sa nangungunang IT company na Intel para mapabuti ang ICT access sa mga paaralan,” sabi ng Pangulo.
Pinarangalan kamakailan ng Intel ang Mindanao State University-Iligan Institute of Technology, Surigao City at Laguna dahil sa pagtataguyod ng ICT sa edukasyon.
Isinagawa ang parangal sa 3rd Intel Teach Award for 21st Century Educators sa EDSA Shangri-La Hotel.
Pinuri ni DepEd Secretary Jesli Lapus ang Intel dahil sa makabagong pamamaraan nito na pinakikinabangan sa mga pampublikong paaralan.
- Latest
- Trending