OFWs na nawalan ng trabaho aayudahan - Echiverri
Inihayag kahapon ni Caloocan City Mayor En rico “Recom” Echiverri na nakahandang ayudahan ng pamahalaang lungsod ang mga nawalan ng trabahong overseas Filipino workers (OFWs) dahil sa krisis pang-ekonomiya.
Ayon kay Echiverri, pangungunahan ng Labor and Industrial Relations Office (LIRO) ang pagbibigay ng mga karag dagang programa at serbisyo para sa mga pinauwing OFWs na residente ng lungsod.
Nakahandang tulungan ng Public Employment Service Office (PESO) ng LIRO ang mga dating OFWs na makahanap ng ibang tra baho sa bansa o sa abroad, anang alkalde.
“Kailangan lamang nilang magdala ng dalawang 1x1 ID picture at barangay clearance para makinabang sa regular employment program ng PESO,” aniya. (Lordeth Bonilla)
- Latest
- Trending