Lady solon pumalag sa kikil isyu
Hinamon ni Buhay Party List Rep. Ma. Carissa Coscolluela ang kilalang urban planner na si Felino Palafox na pangalanan ang opisyal ng Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) na umano’y nangikil ng 18-percent ng contract price kapalit ng pag-apruba ng kanyang bid para sa isang proyekto sa loob ng Freeport zone.
“Palafox hides behind all these people who speak for him and has not been man enough to name the alleged extortionist,” wika ni Coscolluela sa kanyang privilege speech.
Ginawa ng mambabatas ang speech matapos palutangin ng kampo ni Palafox ang ideya na isang Boy Coscolluela ang umano’y nangikil sa kanyang tanggapan na Palafox and Associates.
“There is only one Coscolluela on the SBMA Board. He is my father; he was not involved in the bidding of this project, he never spoke to Architect Palafox or any of his staff engineers or architects about this project, and his name is not even Boy. Architect Palafox and his cohorts cannot even get their lies straight,” wika ni Coscolluela.
Ang walang batayang alegasyon, ayon sa mambabatas, ang dumungis sa reputasyon ng SBMA at mga tauhan nito. “They have been unfairly crucified in the court of public opi nion,” wika ng lady solon.
Bunsod nito, hinikayat ni Coscolluela ang Ka mara na imbestigahan ang isyu upang lumitaw ang katotohanan at nang maparusahan ang maysala at nagsisinungaling. (Butch Quejada)
- Latest
- Trending