^

Bansa

Diesel, dapat P24/litro na lang

- Ni Malou Escudero -

May alyansa ang admi­nistrasyong Arroyo at mga dambuhalang kompanya ng langis kaya hindi buma­baba sa tamang lebel ang presyo ng petrolyo.

Ito ang inihayag kaha­pon ni Sen. Mar Roxas na nagsabing dapat P24 na lang kada litro ang presyo ng diesel dahil sa malaking ibinagsak ng presyo ng krudo sa world market.’

Ibinunyag ni Roxas, pa­ngulo ng Liberal Party, na kakuntsaba pa ng mga kumpanya ng langis ang pamahalaang Arroyo dahil hindi nito pinapansin ang panawagan ng maraming sektor lalo na sa Senado na buksan na ng gobyerno ang libro ng mga oil companies para malaman kung gaano kalaki ang kinikita nila sa paghihirap ng mga Pilipino.

“Mga linta ang mga mga dambuhalang kum­panya ng langis na ito. Naghi­hirap na ang taum­bayan pero kaytaas pa rin ng singil nila para sa diesel. Ang problema ay wa­lang ginagawa si Pangu­long Arroyo tungkol dito,” sabi ni Roxas.

Ayon kay Roxas na batay sa kanyang pag-aaral, lumabas na dapat ay ibenta ang diesel sa mga gas stations ng P24 lang kada litro imbes na ang kasalukuyang presyo nito na P35.94 kada litro.

Ang dagdag pang pa­hirap dito ay P3.85 sa singil na P35.98 kada litro ng diesel ay ang 12 percent value added tax.

“Patuloy ang pagsasa­mantala ng mga kum­panya ng langis sa taum­bayan dahil sa inutil ang ating pamahalaan,” ang galit na sabi ng Ilonggong senador.

Sinabi pa ni Roxas na isang palabas lang sa publiko ang mga meeting na isinagawa ni Energy Secretary Angelo Reyes sa harap ng media dahil hindi naman niya ipinatu­tupad ang batas laban sa mga mapagsamantalang kumpanya ng langis.

“Kaya naman ang taas pa rin ng presyo ng pama­sahe at mga ibang bilihin, dahil itong mga kumpanya ng langis ay pinagsa­samantalahan ang kata­ngahan ng ating gobyerno. Dagdag pa dito ay may VAT pa na halos P4 kada litro,” dagdag niya.

AYON

DAGDAG

ENERGY SECRETARY ANGELO REYES

IBINUNYAG

ILONGGONG

LIBERAL PARTY

MAR ROXAS

ROXAS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with