Kahit dapat laging nakangiti habang naka-duty, bawal naman sa mga immigration officers na nakatalaga sa mga paliparan na batiin ang sinumang pasahero ng “Merry Christmas” sa buong buwan ng Disyembre.
Naglabas si Bureau of Immigration (BI) Commissioner Marcelino Libanan ng memorandum order na nagbabawal sa lahat ng immigration officers at immigration supervisors na nakatalaga sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) at sa iba pang subports na bumati ng Maligayang Pasyo sa lahat ng dumarating at paalis na pasahero.
Nagsimula ang ban sa pagbati noong December 1 at tatagal ng hanggang January 2009, ayon kay Libanan.
Layunin ng kanyang kautusan ay upang hindi mabigyan ng maling impresyon ang pagbati ng mga kawani ng BI ay nanghihingi ng tip ang mga ito
Naniniwala si Libanan na susundin ng mga BI personnel sa mga paliparan ang kanyang kautusan dahil ang layunin nito ay protektahan hindi lang ang reputasyon ng ahensiya at mga empleyado nito kundi ang buong bansa.
Ginawa ni Libanan ang kautusan sa gitna ng pagdagsa ng mga balikbayan at overseas Filipino workers (OFWs) na magbabakasyon kasama ang kanilang pamilya. (Gemma Amargo-Garcia)