Seguis sa peace talk

Itinalaga kahapon ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo si Foreign Affairs Under­secretary Rafael Se­guis bilang tagapa­ngulo ng panel ng pa­mahalaan sa usapang pakikipagkapayapaan sa Moro Islamic Liberation Front.

Sinabi ni Pangulong Arroyo sa Malacañang reporters na ang buong komposisyon ng negotiating panel ay ihahayag ng Malaca­ñang sa Disyembre 15.

Sinabi naman ni Executive Secretary Eduardo Ermita na ang appointment ni Seguis ay nilagdaan Pangulo kahapon ng umaga habang ang magiging composition nito ay ihahayag ng Malaca­ñang sa December 15. (Rudy Andal)

Show comments