Briton na nanggulpi sa asawang Pinay, ban na sa Pinas-BI
Walang lugar sa Pilipi nas ang mga dayuhang nanggugulpi ng asawa.
Ito ang malakas na mensaheng binitiwan ni Bureau of Immigration Commissioner Marcelino Libanan nang ilagay nito sa immigration blacklist ang Briton na si John Paul Pembroke, 32, da hil sa panggugulpi at pang-aabuso sa asawang Pilipina.
Ayon kay Libanan, base sa impormasyong ipinarating sa DFA ng Philippine Embassy sa London, nagreklamo umano sa kanila ang Pinay na asawa ng nasabing Briton dahil sa pananakit nito sa kaniya.
Dahil sa nasabing rek-lamo, nagpalabas ng foreign service circular si DFA Asst. Secretary Domingo Lucenario Jr. para hilingin sa BI na maisama si Pembroke sa blacklist.
Sa reklamo ng asawa ng Briton, sinasaktan siya ng dayuhan at kahit naghi walay na umano sila, patu-loy ang panghaharass sa kanya sa pamamagitan ng voicemails at text messages. (Gemma Garcia)
- Latest
- Trending