^

Bansa

20-M mawawalan ng trabaho

- Ni Ludy Bermudo -

Tiyak umanong tata­maan ang Pilipinong mang­gagawa sa tinata­yang 20-milyong mawawa­lan ng trabaho sa buong mundo.

Sa pahayag ng Mi­grante sa Tinapayan sa Dapitan, Sampaloc, ang datos ay nagmula sa inis­yung ulat ng International Labor Organization (ILO) noong Oktubre.

Ani Garry Martinez ng Migrante, masasapul dito ang mga OFW na pang-apat sa may pinakama­laking work force na nagta­trabaho sa iba’t-ibang panig ng mundo. Nangu­nguna dito ang India, China at ikatlo ang Mexico.

Sa oras na magsi-uwian sa Pilipinas ang mga OFW ay apektado rin ang remittance na inaasahan ng bansa na sumasalba umano sa ekonomiya ng Pilipinas.

Ang P14-bilyong remittance kada taon ng OFWs ang pag-asa umano ng bansa sa pagbabayad ng utang sa labas at gamit na collateral para sa tuluyang pag-utang.

Malayo umano ang halaga ng remittance ng OFWs kumpara sa P2-bilyon na nakokolekta mula sa foreign investments.

ANI GARRY MARTINEZ

DAPITAN

INTERNATIONAL LABOR ORGANIZATION

MALAYO

NANGU

OKTUBRE

PILIPINAS

PILIPINONG

SHY

TINAPAYAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with