PASG nagbabala vs Xmas lights mula China
Nagbabala kahapon si Presidential Anti-Smuggling Group chief Antonio Villar jr. sa publiko na huwag bibili ng mga substandard at smuggled na Christmas lights at mga dekorasyon upang makaiwas na rin sa mga aksidente.
Sinabi ni Usec. Villar, tumanggap siya ng ulat na maraming smuggled cargoes ng mga sub-standard na produkto galing China ang itinatago sa mga bodega sa Metro Manila at mga lalawigan sa nakaraang 3 taon at nakatakdang ibenta sa mga pamilihan ngayong Kapaskuhan.
Ang mga substandards Xmas lights ang kadalasang sanhi ng sunog dahil na rin sa depektibong Christmas lights na ito na kalimitan ay mula sa China.
Sinabi naman ni PASG director for Intelligence Guillermo Francia na mayroon silang intelligence report kaugnay dito kaya inutusan niya ang kanyang mga tauhan na magsagawa ng inspection sa mga bodega sa loob ng Bureau of Customs subalit pinigilan sila ng mga BoC officials at inakusahan pa ang kanyang mga tauhan ng panggigipit sa mga Chinese importers.
Ipinaliwanag naman ng PASG chief, bukod sa illegal na naipasok sa bansa ang mga nasabing kargamento ay magiging peligro pa ito sa buhay ng publiko. (Rudy Andal)
- Latest
- Trending