^

Bansa

3 OFW napatay sa 'gimik'

-

Nauwi sa trahedya ang isang masayang gimik matapos na tat­long overseas Filipino worker ang nasawi ha­bang malub­hang nasu­gatan ang isa pa mata­pos bumangga sa isang poste ang kanilang si­­nasakyang kotse ha­bang sila ay papauwi sa Saipan ka­ makalawa ng madaling araw.

Batay sa ulat na na­ka­rating sa tanggapan ng Department of Foreign Affairs, kabilang sa mga na­ sawi sina Hai­dee Gar­cia at Rose Ann Bautista, kap­wa waitress sa isang bar at si Ronald Carreon, 35, na nag­tatra­baho bilang computer technician.

Nasugatan din sa aksi­dente ang Pinoy guitarist na si Joel Tagali­kud, 30, na idi­ nek­lara na umano ng mga doctor na ligtas na mula sa panga­nib.

Naganap ang aksi­dente dakong alas-2:00 ng mada­ ling araw noong Linggo habang nagbibi­yahe ang mga biktima pauwi mata­pos na gumi­mik sa Club V.

Minamaneho ni Gar­cia ang asul na kotseng Ford at katabi nito sa una­hang ba­hagi ng sa­sakyan si Carreon ha­bang nakapu­westo na­man sa likuran sina Ta­galikud at Bautista nang sumalpok ang kotse sa isang poste ng telepono pagsapit ng mga ito sa isang intersection ma­lapit sa Saipan World Resort at Joeten-Kiyu Public Library. (Mer Layson)

vuukle comment

BATAY

BAUTISTA

CLUB V

JOEL TAGALI

JOETEN-KIYU PUBLIC LIBRARY

MER LAYSON

RONALD CARREON

ROSE ANN BAUTISTA

SAIPAN WORLD RESORT

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with