Debate ng mga kandidato sa 2010, giit ng Comelec
Naniniwala ang Commission on Elections (Comelec) na malaki ang maitutulong ng debate ng mga kakandidato sa pagkapangulo sa 2010 elections sa mga botante.
Ayon kay Commissioner Rene Sarmiento, mas makakapili ng mabuti ang mga botante ng magiging pangulo ng bansa kung makikita ng publiko ang kanilang galing at mga plano para sa bansa.
Ang mungkahi ni Sarmiento ay bunga na rin ng ginawang debate nina John Mcain at US President-elct Barrack Obama bago isagawa ang US election.
Nilinaw ni Sarmiento na wala umano siyang anumang masamang intensiyon sa mga kakandidato bagkus ay nais lamang niyang malinawan ang isip ng mga botante kung sino ang karapat-dapat na maging pangulo ng bansa.
Aniya, napakahalaga na malaman ng mga botante ang kakayahan ng mamumuno dahil ito ang siyang kikilos upang maisulong ang bansa. (Doris Franche)
- Latest
- Trending