^

Bansa

Dela Paz susuko na

- Nina Malou Escudero, Joy Cantos At Gemma Garcia -

Nakahanda na umano si dating Philippine National Police  comptroller Eliseo Dela Paz na isuko ang kanyang sarili sa Senado matapos magpa­ dala ng “surrender feelers” kay Sen. Panfilo Lacson.

Sinigurado ni Lacson na darating ngayong araw o hanggang bukas si dela Paz na nagdesisyong su­muko matapos magpala­bas ng warrant of arrest la­ban sa kanya ang Sena­do dahil sa kabiguang dumalo sa hearing noong naka­raang buwan kaug­nay sa P6.9 milyong bi­nitbit nito sa Russia noong dumalo sa Interpol assembly.

“Nagpasabi na nandito siya either tomorrow (nga­yon) or Friday,” sabi ni Lac­s­on kahapon.

Masyado lamang uma­­nong malayo sa Maynila ang kinaroroonan ni dela Paz kaya nahihirapan itong makapunta kaagad sa Senado.

Napaulat na sinabi ng kanyang abogadong si Atty. Noel Malaya na wala sa Maynila si dela Paz at ma­rahil ay nasa mga kamag-anakan niya ito sa La Union.

Pero nilinaw ni Malaya na hindi nagtatago ang ka­niyang kliyente at anu­ mang oras ay magtutungo na ito sa Senado sa oras na ma­kabalik sa Maynila galing sa importanteng nilakad nito sa probinsya.

Kung darating umano ngayon si Dela Paz, posi­bleng sa Biyernes na isa­sagawa ang hearing.

Sinabi naman ni Sen. Miriam Defensor-Santiago na ipapa-subpoena rin nila para dumalo sa hearing ang negosyanteng sina­sa­bing nagpadala ng ma­la­king halaga ng salapi kay dela Paz upang mag­pabili ng relo.

Pero naniniwala si Lac­son na hindi tama para sa isang two-star general na ka­tulad ni dela Paz na utu­san ng isang negos­yante na bumili ng relo sa ibang bansa.

“That’s very improper for a two star general to be doing errands para sa isang businessman o isang ka­ibigan na sibilyan tapos ganoong kalaking pera, medyo hindi proper,” sabi ni Lacson,

Tiniyak din ni Lacson na sakaling sa labas makipag­kita sa kanya si dela Paz ay agad niya itong dadalhin sa Senado.

Nag-iingat din umano si dela Paz dahil nanga­ngam­ba rin ito sa kanyang kaligta­san.

Inutusan na kahapon ni Santiago ang Bureau of Immigration na ilagay si dela Paz sa watchlist upang masiguradong hindi maka­labas ng ban­sa.

Isang sulat ang ipina­dala ni Santiago kay BI Commissioner Mar­celino Libanan kung saan ipinaa­alam nito na nagpa­labas na ng isang warrant of arrest ang Senado laban kay dela Paz.

Samantala, nabigo naman si dela Paz sa kahilingan nito sa Korte Suprema na kaagad na ipatigil ang pagdinig ng Senado.

Ayon kay Atty. Midas Marquez, tagapagsalita ng Supreme Court, ina­tasan lamang ng Korte ang Senado na maghain ng komento sa loob ng 10-araw tungkol sa natu­rang petition ni dela Paz sa halip na magpalabas ng Temporary Restraining Order (TRO).

BUREAU OF IMMIGRATION

COMMISSIONER MAR

DELA

DELA PAZ

ELISEO DELA PAZ

LACSON

MAYNILA

PAZ

SENADO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with