SC appointment pinababantayan

Nagpahayag ng pa­ngamba ang isang koa­lisyon ng mga civil society group sa posibilidad na makuwestiyon ang integridad at independence ng Korte Suprema dahil aabot sa 14 ma­histrado nito ang maia-appoint ni Pangulong Arroyo bago pa magtapos ang termino nito sa 2010.

Ito umano ang unang pagkakataon sa kasay­sayan ng Pilipinas na isang Pangulo lamang ang mag-a-appoint ng 14 sa kabuuang 15 ma­histrado ng Mataas na Hukuman, ayon sa Supreme Court Appointment Watch (SCAW).

Sa 2009, anim na mahistrado ang naka­takda para sa compulsory retirement age na 70, na kinabibilangan nina Associate Justices Ruben Reyes, Adolfo Azcuna, Dante Tinga, Consuelo Ynares-Santiago, Leo­nardo Quisumbing at Minita Chico-Nazario habang si Associate Justice Alicia Austria-Mar­tinez ay pinayagan na maging maaga ang pag­reretiro dahil sa kon­disyon ng kalusugan.

Tanging si SC Chief Justice Reynato Puno, na noong associate justice ay hindi niya appointee, kundi ngayon lamang bilang Punong Mahis­trado ang matitira dahil sina Quisumbing at San­tiago na itinalaga ni da­ting Pang. Fidel Ramos ay paparetiro na.

Sa pahayag ni Constitutionalist Fr. Joaquin Bernas, dapat na mapag­bantay ang publiko sa gagawing pagpili sa bubuo sa mga mahis­trado ng SC upang ma­tiyak na may transparency at tamang tao ang mailuklok.

“You cannot avoid the influence of the President in the SC that is why it is of utmost important that the justices that will be appointed is politically and intellectually independent,” ani Fr. Bernas. (Ludy Bermudo)

 

Show comments