Oil firms susuyuin sa fare rollback
Nakatakdang ipatawag ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang mga kinatawan ng mga kumpanya ng langis upang makadalo sa ikalawang pagdinig sa petisyon sa “fare rollback” sa Martes na isinampa ng National Commuters Association of the Philippines.
Sinabi ni LTFRB chairman Thompson Lantion na kanilang pinadalhan na ng imbitasyon ang mga kumpanya ng langis upang hingan ng reaksyon kung makakaya pang ibaba ang presyo ng diesel ng P40 hanggang P37 kada litro na siyang basehan ng mga transport groups para magpatupad ng rollback sa pasahe.
Matatandaan na aprubado na ng LTFRB ang P.50 sentimos na probationary fare rollback ngunit hiling ng mga commuters ang mas mataas na P1.50 sa pasahe sa jeepney at P2 sa pasahe sa mga bus.
Hindi naman umano umaangal ang mga transport groups ngunit iginigiit ng mga ito na maibaba muna ng husto ang presyo ng diesel base sa komputasyon sa ibinaba ng presyo ng krudo sa internasyunal na merkado bago magpatupad ng bawas pasahe. (Danilo Garcia)
- Latest
- Trending