De la Paz naghabol din sa korte

Nagpasaklolo na rin sa Korte Suprema si retired Philippine National Police Director Eliseo dela Paz upang ipatigil ang imbestigas­yon ng Senado sa 105,000 euros na na­sa­bat sa kanya sa Mos­cow, Russia.

Sa inihaing petition for certiorari and prohibition na isinampa ni dela Paz at ng kan­yang asawang si Ma­ria Fe, hiniling rin ng mga ito na pawa­lang bisa ang ka­utusan ni Sena­dor Miriam San­tiago kay Se­nate Sgt at Arms Jose Ba­la­ja­dia Jr. na sila ay ares­tuhin.

Iginiit ni dela Paz na uma­­buso sa kapang­ya­rihan si Santiago nang ipag-utos ang pag-aresto sa kanila nang hindi du­maan sa pag-sang-ayon ng iba pang miyembro ng Committee on Foreign Relations.

Kinuwestyon rin ni dela Paz ang kapang­ya­ rihan ng nasabing komite na dinggin ang nasabing isyu gayong wala umano itong kina­laman sa “foreign relations.” (Gemma Amargo-Garcia)

Show comments