Power rate hike pinigil ng ERC; Meralco dismayado
Ikinadismaya ng Manila Electric Company ang desisyon ng Energy Re gulatory Commission na pansamantalang isantabi ang naunang desisyon nito na nagpapahintulot sa una na magtaas ng singil sa kuryente na dapat sanang magsimula sa Nobyembre.
Sinabi ni Meralco President Jesus Francisco na ito ang una nilang pagtaas ng singil sa kuryente pagkaraan ng mahigit limang taon.
Sa desisyon ng ERC na inilabas noong Oktubre 27, ipinagpaliban nito ang naunang desisyon noong Mayo 29 na nagtakdang galawin ng Meralco ang distribution charge na gamit bilang pamantayan ang performance based regulation o PBR.
Binanggit din ni Francisco na matagal na nilang hinintay na galawin ang distribution charge na noon pang Hunyo 2003 ang huli nilang itinaas.
Samantala, kinondena ni Meralco Spokesman Elpi Cuna si National Association of Electricity Consumers for Reforms Inc. President Pete Ilagan na naunang humiling sa Pasig Regional Trial Court na magpalabas ng hold departure order laban sa mga opisyal ng Meralco.
Sinabi ni Cuna na hindi makatarungan ang pagpa pakulong sa mga opisyal ng Meralco kaugnay ng kasong Estafa na inihain ng Department of Justice.
Iresponsable anya ang pahayag ni Ilagan da hil hindi pa napapatunayang nagkasala ang mga naaakusahang opisyal ng Meralco. (Edwin Balasa)
- Latest
- Trending