Pagpatay sa forest ranger pinatututukan ni GMA
Inatasan kahapon ni Pangulong Arroyo ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) na makipag-ugnayan sa PNP para sa pagsasagawa ng imbestigasyon sa pinaslang na forest ranger sa Sta. Maria, Laguna.
“Our forest rangers are the first line of defense of our forests. I am directing the DENR and law enforcement agen cies to go to the bottom of this,” wika pa ng Pangulo.
Kinondena naman ni DENR Sec. Lito Atienza ang ginawang pamamaslang sa forest ranger na si Anselmo Bulanhagui habang ito ay nagbabantay sa checkpoint sa Marikina-Infanta road sa Bgy. Santiago, Sta. Maria, Laguna noong October 13.
Siniguro naman ni Atienza na lalong paiigtingin ng DENR ang pagbabantay nito sa kalikasan at hindi sila hihinto kahit napaslang ang isa nilang forest guard. (Rudy Andal)
- Latest
- Trending