^

Bansa

GMA buo pa rin ang tiwala kina Puno, Verzosa

-

Buo pa rin ang pagtiti­wala ni Pangulong Arroyo kina DILG Secretary Ro­naldo Puno at PNP chief Jesus Verzosa kaug­nay ng kontrobersya sa “Euro generals”.

Sinabi ni Deputy Pre­sidential Spokesman Anthony Golez sa media briefing sa Malacanang, hindi dapat agad husga­han ang mga opisyal ng DILG at PNP bagkus ay pabayaan munang uman­dar ang isinasagawang imbestigasyon.

“Ang importante ay malaman ang katoto­hanan. We can’t just hasten our judement, Ma­dami pang tanong ang hindi pa nasasagot. Ang importante, we have to be comprehensive while at the same time circumspect with the facts coming in and the explanation that are being stated,” paliwanag pa ni Golez.

Idinagdag pa ni Golez, ipinauubaya na ng Ma­lacañang sa DILG at PNP ang magiging aksyon kung nais nitong pada­luhin si retired PNP comptroller Eliseo dela Paz sa imbestigasyon ng Kon­greso kaugnay sa pag­kakahuli dito sa Moscow na may dalang 105,000 euro (P6.9M) na hindi niya naideklara.

Siniguro naman ni Golez na ang sinumang mapapatunayang nagka­roon ng paglabag sa ba­tas lalo sa mga presidential orders ay mapaparu­sahan sa ilalim ng umiiral na batas. (Rudy Andal)

BUO

DEPUTY PRE

ELISEO

GOLEZ

JESUS VERZOSA

PANGULONG ARROYO

RUDY ANDAL

SECRETARY RO

SHY

SPOKESMAN ANTHONY GOLEZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with