^

Bansa

Budget officer ng PNP iniimbestigahan na

-

Isinailalim na sa im­bestigasyon ang Budget Officer ng PNP Comptroller kaugnay ng pag-iisyu umano ng kinukuwes­ti­yong 105,000 Euros o ka­tumbas na P6.93 M na nahuli sa dating hepe ng tanggapan na si ret. Director Eliseo de la Paz sa Russia.

Ayon kay PNP Chief Director Gen.l Jesus Ver­zosa, pinaiimbestiga­han na niya si Sr. Supt. Thomas Rentoy sa tang­gapan ng PNP Directorate for Investigative and Detective na pinamu­munuan ni Director Raul Bacalzo.

Si Rentoy ang sina­sabing nag-awtorisa uma­no ng nasabing cash advance ng 8 man team ng PNP delegation sa International Police (Inter­pol) Conference sa Russia na ginanap noong Oktubre 6- 10 kung saan ang nasa­bing pera ay dala mismo ni de la Paz.

Alinsunod naman sa isinasagawang imbesti­gas­yon na inaasahang ilalabas sa darating na Lunes  ay grounded muna o hindi puwedeng huma­wak ng pera at anumang papeles sa PNP Comptrollership si Rentoy.

Sa kasalukuyan ayon pa kay Verzosa ay hini­hintay pa ng PNP na mai-transmit ng Russian government ang 105,000 Euros sa account ng pam­bansang pulisya. (Joy Cantos)

BUDGET OFFICER

CHIEF DIRECTOR GEN

DIRECTOR ELISEO

DIRECTOR RAUL BACALZO

INTERNATIONAL POLICE

INVESTIGATIVE AND DETECTIVE

JESUS VER

JOY CANTOS

PAZ

SHY

SI RENTOY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with