^

Bansa

Herbal products mula China susuriin na rin ng BFAD

-

Makaraang isailalim sa pagsusuri ang mga gatas at meat products mula sa China, pinag-aaralan din ng Bureau of Food and Drugs (BFAD) ang pagsusuri sa mga Chinese herbal extract products.

Ayon kay BFAD director Leticia Gutierrez, nagsisimula na silang  kumuha ng mga samples ng mga produktong herbal mula sa China upang malaman kung dapat na itong i-pull out sa merkado.

Sinabi ni Gutierrez na karamihan sa mga Chinese herbal extract products ay ibinebenta sa Metro Manila, kung saan sinasabing ang mga ito ay nakagagaling ng iba’t ibang uri ng sakit.

Iginiit ni Gutierrez na ang mga Chinese herbal medicine ay kailangan suportahan ng “clinical trials” upang masuportahan ang nakasaad sa kanilang produkto na nakagagaling ng anumang sakit ang mga nasabing gamot.

Nilinaw ni Gutierrez na wala naman silang anu­ mang kampanya laban sa mga Chinese products, subalit kailangan lamang nilang isagawa ang nara­ra­pat para na rin sa kalig­tasan ng publiko at ng mga consumers. (Doris Franche/Rose Tesoro)

AYON

DORIS FRANCHE

IGINIIT

LETICIA GUTIERREZ

MAKARAANG

METRO MANILA

NILINAW

ROSE TESORO

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with