^

Bansa

Pinay sasagipin sa firing squad

- Ni Mer Layson -

Tiniyak kahapon ng Department of Foreign Affairs (DFA) na ginagawa nila ang lahat ng paraan upang mailigtas mula sa firing squad ang Pinay na si Cecilia Alcaraz, alyas Ne­mencia Panaglima Armia, 38, na sinasabing pumas­lang at nagnakaw sa isang Taiwanese broker sa ban­sang Taiwan noong naka­raang taon.

Ang paniniyak ay gi­nawa ni DFA Undersecre­tary for Migrant Workers’ Affairs Esteban Conejos, ka­sunod na rin ng akusas­yon ng Migrante International na nagpapabaya sila sa mga kaso ng mga OFW na nakahanay sa bitayan sa iba’t ibang bansa, dahil abala umano ito sa pag­ha­handa para sa idaraos na 2nd Global Forum on Migration and Development (GFMD) ngayong buwan.

Ayon kay Conejos, uma­pela na sila sa gob­yerno ng bansang Taiwan upang mailigtas sa firing squad si Alcaraz.

Si Alcaraz ay inakusa­hang nagnakaw at pumas­lang kay Chiu Mei-yun, isang local teaching broker, noong Setyembre 12, 2007 sa Kaoshiung City, Taiwan matapos tumanggi umano itong magbayad ng utang.

Idinagdag pa ni Cone­jos na inaasahan nilang magsasagawa ng hearing ang hukuman sa Taiwan para sa naturang apela sa unang linggo ng Nobyem­bre.

Sinabi rin naman ng DFA official na naglaan ng da­lawang Taiwanese lawyers ang Manila Economic and Cultural Office (MECO) sa Taipei upang kumatawan kay Alcaraz sa trial at apela sa kaso.

Bagamat mabigat ani­ya ang ebidensiya laban kay Alcaraz, sinabi ni Co­ne­jos na gagawin nila ang lahat upang mailigtas sa kamatayan ang Pinay.

Plano rin umano ng MECO na dalhin sa Taiwan ang kapatid na lalaki ni Alcaraz at ilang anak nito upang mabisita siya sa kulungan.

Matatandaang una nang inakusahan ng Mi­grante ang pamahalaan na nauubos ang oras sa pag­hahanda para sa GFMD sa halip na tutukan ang prob­le­ma ng mga OFW.

Ayon kay Migrante International spokesman Garry Martinez, 40 DFA personnel umano ang ipi­null-out mula sa trabaho upang mag-pokus sa na­sa­bing aktibidad.

Binatikos din ng Mi­grante ang pamahalaan dahil pitong Pinoy na umano ang nabibitay sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon.

Sa record ng Migrante, may 29 pang OFW ang nakahanay sa death row sa iba’t ibang bansa.

AFFAIRS ESTEBAN CONEJOS

ALCARAZ

AYON

CECILIA ALCARAZ

CHIU MEI

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

ECONOMIC AND CULTURAL OFFICE

GARRY MARTINEZ

MIGRANTE INTERNATIONAL

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with