Aminado si deputy Ombudsman Mark Jalandoni na hindi bababa sa 1,000 kaso ang natutulog ngayon sa Sandiganbayan
Ito ang sinabi ni Jalandoni makaraang mabigong masilbihan ng warrant of arrest ang mga respondent o mga inaakusahan ng ibat ibang kaso ng katiwalian na naisampa ng kanilang tanggapan sa Sandiganbayan
Sinabi ni Jalandoni na ang naturang bilang ay kanilang nadiskubre matapos magsagawa ng imbentaryo sa mga naisampa nilang kaso at kanilang nadiskubre na itoy simula pa pala noong taong 1990.
Ipinaliwanag ng naturang opisyal na taliwas sa mga procedure sa mga regular courts, hindi maaaring dinggin ang kaso ng isang respondent na may kinakaharap na kaso sa Sandiganbayan kung hindi pa ito naaaresto.
Sa Sandiganbayan maaari ang trial by absentia.
Ayaw namang kumpirmahin ni Jalandoni kung sinasadya umanong hindi aksiyonan ng Office of the Sheriff ng Sandiganbayan ang pagbibigay ng warrant of arrest sa mga respondent.
Sinabi pa nito na dahil naisampa na ang naturang kaso sa Sandiganbayan nangangahulugan anya na masasabing mga “big fish” sa gobyerno ang mga nasangkot na opisyal na may kapit sa “taas” kaya hindi maisulong ang kaso laban sa mga ito. (Angie dela Cruz)